a woman sitting on a bed ? Provided by PEP.ph

COVID-19 survivors ang?entertainer-politician na si Angelica Jones, anak niyang si Angelo, at ang kanyang ina?si?Beth Jones.

Nitong nakaraang June 8, ibinalita ng Laguna 3rd district board member na nakalabas na ng ospital ang kanyang ina pagkatapos ng dalawang buwan.

Sabi ni Angelica sa kanyang Facebook post (published as is), "Isang magandang Balita po sa lahat ng kaibigan at Pamilya nagmamahal sa aking Ina.

"Kahapon po ay nakalabas na ang aking Ina na si Mama Beth Jones sa Chinese General Hospital.

"12 days siya ginamot at tineraphy dahil sa di makalakad dahil dalawang buwan sya nasa icu at naging kritikal lagay nya dahil sa hirap pinag daanan nya dahil sa severe Covid19 umabot sya ng 2months sa ICU.

"LABIS NAGPAPASALAMAT ANG AKING PAMILYA AT NG AKING INA. SI Mama Beth, Me and Angelo lahat kami ay nakasurvive sa COVID."

COVID-19 JOURNEY

Sa kanyang Facebook din, ibinahagi ni Angelica ang naging journey nila sa pakikipaglaban sa COVID-19.

April 8 ng taong kasalukuyan, napositibo si Angelica at anak na si Angelo sa mapinsalang virus.

Noong mga panahong iyon, naka-intubate na ang kanyang ina dahil sa COVID-19.

Saad ni Angelica sa kanyang Facebook post, "Humihingi po ako ng paumanhin .

"14 days muna di ko masasagot mga txt or call. Sa mga constituents ko po you can coordinate with my sec Hazel sa sta cruz Office.

"Pansamantala sarado ang aking bahay.

"HINIHILING KO PO IPANALANGIN NYO ANG AKING INA si Mama Beth makasurvive 3days na nasa ICU (intubated)At Kami ng anak ko si Angelo Patuloy lumalaban at patuloy nanalangin gumaling na po kami.

"PLEASE PRAY FOR MY MOM, MY SON AND ME

"Nanalig po kami sayo Panginoon ililigtas nyo po kami sa sakit ng Pandemic Covid19

"We trust you Lord and I love u

"Amen"

Related Facebook post

Shared from Facebook

COVID SURVIVORS

April 21, nagnegatibo na si Angelica at ang kanyang anak sa virus.

Kuwento niya, "Sa ARAW PONG ITO... MABUTI MAGANDANG BALITA MULA SA DIYOS...

"After 14 days hirap pinagdaanan bec .of Covid.

"Mother and Son COVID SURVIVOR! (Angelica and Angelo)

"Kami ng aking anak na si Angelo Alday ay makakauwi na ng aming Bahay ngayon gabi

"Sapagkat kami ay NEGATIVE na ang Result for latest RT and PCR swabtest.

"GOD IS GOOD ALL THE TIME!!!

"MARAMING SALAMAT PO SA INYONG DASAL"

Nagdiwang man sa kanilang paggaling, hindi pa rin lubos ang kaligayahan ni Angelica dahil naiwan pa sa ospital ang kanyang ina.

"ngunit ang kinalulungkot po namin di pa namin kasama ang aking Ina sa pag uwi. Mananatili pa rin ang aking Ina sa ICU intubated.

"PLEASE CONTINUE TO PRAY FOR MY MOM Beth Jones

"Lord i Trust you... YOU HEAL MY MOM

"I LOVE YOU LORD"

Related Facebook post

Shared from Facebook

LIFE AFTER COVID

May 25, 2021, sinabi ni Angelica na halos isang buwan na siyang naging disiplinado sa kanyang katawan matapos gumaling sa COVID-19.

Nag-eehersisyo na rin daw siya.

Saad niya, "Thank you LORD for Disciplined me

"Finally I’m back for Threadmill.. (Work Out) Kaya ko naman pala almost 2months ...

"Last April 21’21 naka labas kami ni Angelo ng hosp. Covid Survivor

"Almost a month I sleep early and woke up early.

"Just follow the instructions of my Doctor

"Bawal mag puyat and avoid negative people. Para less stress

"Since marami ako naging komplikasyon sa heart, lungs and body.

"I follow the Dr said: No Meat/No Fatty Foods/No Oily Food / No Coffee /No Tea / No Smk/ Bawal Magpuyat

"I sleep Early basta lahat ng bawal sinunod ko.

"I take my medicines everyday and always Pray

"I feel recovered now

"ALWAYS THINK POSITIVE and FAITHFUL TO GOD

"Thank you for Disciplined me LORD

"nawala na rin eye bags and wrinkles ko"

Related Facebook post

Shared from Facebook

ANSWERED PRAYER

Paniniwala ni Angelica, tumugon ang Diyos sa taimtim nilang dasal upang bigyan pa ng pangalawang buhay ang ina.

Severe COVID-19 case daw kasi ang tumama rito. Ibig sabihin, kailangan itong kabitan ng tubo upang makahinga.

May 27, nakatanggap siya ng magandang balita.

"After almost 2months Nakalabas na po ang aking Ina si mama Beth Jones ng District San Pablo City Hosp.

"Latest her swabtest NEGATIVE result.

"She will transfer to Chinese General Hospital in Manila para gamutin ang Kanyang heart, anxiety and diabetes.

"My mom is Crying dahil pahiparan po Lumabas ng hosp ayaw nya umalis na hosp dahil napamahal na sa Kanya lahat ng DOCTORS AND NURSES

"In alagaan sya at minahal almost 2months

"My MOM IS SEVERE COVID SURVIVOR.

"My Mom said LABIS SYA NAGPAPASALAMAT SA DISTRICT HOSPITAL SAN PABLO

"Kay Dra Go, Dra Haydee Sarmiento, Dr Testanio, Dr. Fabros, Dr Butch, Dr Loyola and

"Dr Edgar Palacol, Maraming salamat po Governor Ramil Laurel Hernandez, Vice Gov. Karen

"Maraming salamat din po sa lahat ng nurses nagtyga at nagpuyat sa pag aalaga sa mama ko."

Dagdag pa niya, "Humihingi po ako dispensa Kung magkaroon ng side effects ang depression ni mama bec.of covid. Minsan di na po nya Maalala Kung May nasabi sya di nya talaga alam.

"Maraming SALAMAT SA LAHAT NG FRONTLINERS INILIGTAS NYO PO ANG BUHAY NG AKING INA

"God is good all the time and God is A Healer"

Nagpasalamat din si Angelica sa lahat ng prayer warriors para sa ina.

Aniya, "My mom is SEVERE COVID SURVIVOR AND A FIGHTER: LORD ANSWERED HER PRAYERS BEC SHE FAITHFUL TO GOD"

Related Facebook post

Shared from Facebook

LATEST UPDATE

Noong May 30, nagbigay ng update si Angelica ukol sa health status ng ina habang nagpapagaling sa Chinese General Hospital sa Maynila.

Napahagulhol daw siya nang magkita na sila dahil sa wakas ay nakakausap na niya ang ina matapos ang dalawang buwang ito’y naka-intubate.

Lahad ni Angelica, "YesterdaySunday Family Day,

"Binisita ko si Mama Beth Jones sa hosp Manila.

"Dahil sumusunod tayo sa Health Protocol Kailangan ko mag paswabtest sa Dist Hosp para makapasok sa rm ni mama sa Manila. Thank u Dr Palacol nakapag swabtest po ako.

"Thank God NEGATIVE Result ko at nakaluwas po ako at agad pinuntahan ang aking Ina.

"Sa una namin pag kikita ni Mama Beth naging Emosyonal at napahagulgol ako sa iyak at tuwa dahil nayayakap ko na ang aking ina.

"Di ako makapaniwala kasama ko na si mama at nakakausap ng personal .

"(Almost 2months Naka intubated si mama sa Icu at 50/50)"

Binalikan din niya ang laban nila ng anak na si Angelo sa COVID-19.

Maituturing din daw na pangalawang buhay na ng inang si Beth ang paggaling nito.

Saad ni Angelica, "Saksi po ako habang nasa hosp ako noon at si Angelo everyday di kami makahinga dahil unstable condition nya at lagi 50/50 Kaya Wala kaming tigil sa pagdadasal at mga taong magma mahal Kay mama.

"Isang Himala nangyari Kay Mama halos na kasabayan ni mama sa Icu sa Dist hosp ay na crimate na at di nakasurvive

"Si mama isa sa napakaswerte naka survive .

"Naikwento saken ni mama halos Mukhang bangkay na raw sya at nangingitim na raw ang Kanyang mukha kwento sa Kanya ng nurse

"Agad siya ni revive para mabuhay at magkaroon ng Malay. Nag iiyakan na raw sa rm

"Dito kinuwento saken ni mama ang buong storya paano sya nakasurvive at sino nakita nya at nakausap habang Wala Syang Malay (She saw the cloudy and Angel (St.Micheal ) at paano sya Nakabalik sa kanyang katawan para bigyan ng isang pagkakataon mabuhay pa sya.

"May mga dasal at libro sya hawak di nya binitawan at lagi nya dasal kaya pinakinggan ng Diyos ang Dasal nya.

"Ang buong storya ay ilalabas ko po sa vlog video. One on one interview with my mom sa SIMPLENG HILING MY MOM COVID SURVIVOR .

"Maghapon ko po tinanong ang aking Ina at nag kwentuhan sa mga experience nya habang nasa icu sya before. She revealed her secret weapon paano sya nakasurvive at give advice to all the covid patients para makasurvive .

"Sa ngayon kasalukuyan tinetherapy ang binti ni mama para makalakad.

"Almost 2 months sya nasa icu Kaya di naigalaw ang kanyang binti . Kaya di sya makalakad sa ngayon ginagamot sya para makalakad."

Related Facebook post

Shared from Facebook

OUT OF HOSPITAL

At nitong June 8 lamang, sa wakas ay nakalabas na ng ospital ang ina ni Angelica.

Sabi niya, "Labis ko kinatutuwa sa aking Ina.. lagi nyang hawak na dasal na Libro .. araw araw nagdadasal at bago sya lumabas ng Hospital dumaan sya sa hallway at tumigil.

"PARA MAGDASAL AT MAGPASALAMAT SA PANGINOON dahil sa kanyang pangàlawang buhay.

"My mom said, ‘Anak, di Mahalaga ang material na bagay.. ang Mahalaga saken ay buhay at kayo Pamilya ko. Kahit SIMPLENG BUHAY BASTA MASAYA AT KASAMA KO PAMILYA KO.

"Bawat Pamilya Mahalaga"

Nagpasalamat si Angelica sa lahat ng taong nagdasal para sa ikagagaling ng kanyang mahal na ina.

Aniya, "Maraming Salamat sa lahat ng Dasal At Pagmamahal sa aking Ina.

"MY MOM COVID SURVIVOR

"Maraming Salamat sa mga kapatid ko kasama ko pag aasikaso kay Mama Kuya Arvin Banaag Alarva and Jeffrey Alarva.

"Maraming Salamat din po sa lahat ng kaibigan ni Mama lagi ako tinatawagan kinakamusta si Mama. Maraming Salamat sa lahat ng Pari, Pastor at mga Madre 2months nyo araw araw sinama nyo sa dasal nyo po ang aking Ina.

"MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG DOCTORS, Dir.Yang , Dr.Tan and Dir.Concodia and caregiver ng Chinese Gen.Hosp Manila

"WE LOVE U LORD"

Related Facebook post

Shared from Facebook

Microsoft and partners may be compensated if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating: