a man and a woman sitting on a table ? Provided by PEP.ph

Nanguna ang ama ni Darren Espanto sa pagsasabing napapasaya ni Cassy Legaspi ang 20-year-old Kapamilya singer.?

Ang ama ni Darren na si Don Espanto ay kasalukuyang nasa Canada.?

Si Cassy, 20, ay anak ng?celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.?

Binuking ni Don na?kinilig si Darren sa isang surprise video message mula kay Cassy.?

Komento?ni Don kalakip ng smile emoji, "Iba talaga yung ngiti ni D eh kapag C-ya ang bumati."?

graphical user interface, text, application ? Provided by PEP.ph

Ang tinutukoy ni Don na "D" ay ang anak na si Darren.

"C-ya" naman ang tawag kay Cassy, dala ng mga kulitan nina Cassy at Darren.??

Nagkomento si Don sa Instagram account ng avid fans nina Cassy at Darren, o kilala sa uniname na CassRen.?

Ni-repost kasi ng CassRen fans ang video clip na kuha sa?TNT Pop Show noong June 9.

Sa online show na iyon, may inihandang belated birthday greetings para kay Darren mula sa kanyang mga magulang, kapatid, at mga piling kaibigan.?

Pero panunukso nga ng ama ni Darren, tila pinakanatuwa ang anak sa mensahe mula kay Cassy.?

CASSY'S MESSAGE FOR DARREN

Kahit nasa lock-in taping si Cassy ng Kapuso series na My First Yaya, nagawa pa rin nitong magbigay ng mensahe para kay Darren.?

Sabi ni Cassy, "Hi, D! I just want to greet you a happy, happy birthday.

"I hope you enjoy your birthday.

"Siyempre, gusto ko mag-thank you sa iyo for being a genuine friend to me."??

Ayon kay Cassy, "always" siyang nakasuporta kay Darren.?

"We are your number one fans! Wohoo!" masiglang?dagdag pa ni Cassy.?

a screen shot of a woman ? Provided by PEP.ph PHOTO: TNT Pop Show via @teamcassren Instagram

DARREN'S FATHER APPROVES OF CASSY

Tila boto si Don na maging kasintahan ni Darren si Cassy.?

Noon pa lang Disyembre 2020, pabirong humirit si?Don na "mabagal" si Darren pagdating sa panunuyo kay Cassy.?

Nakisali si Don sa panunukso sa anak matapos mapansin ang palitan ng mensahe nina Darren at Cassy sa Instagram.?

graphical user interface ? Provided by PEP.ph

Noon namang January 8, nakulangan naman daw si Don sa birthday greeting ni Darren para kay Cassy.?

Biro uli ni Don kay Darren, "Isang taon ang hinintay at pinag planuhan, yun lang pala ang sasabihin he he [peace emoji]. Haay ang tagal, kaka inip [sleeping and hand covering mouth emojis]."?

graphical user interface, website ? Provided by PEP.ph

Mula noon ay consistent si Don sa panunukso kina Darren at Cassy.?

Noong Mayo,?nagpahiwatig si?Don na tila "na-challenge sa mga pahaging" niya si Darren.?

Pagdating daw sa Pilipinas ni Darren ay si Cassy ang una nitong binisita bago ang ibang mga kaibigan.?

Tuwang-tuwa naman ang CassRen fans na makitang ang ama raw mismo ni Darren ang nambubuking dito.?

Narito ang latest reaction ng fans sa pangungulit ni Don kina Darren at Cassy:?

? Provided by PEP.ph
Microsoft and partners may be compensated if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating: