Brenda Costa standing in front of water: Thia Thomalla, PSG Val of ‘First Yaya,’ returns to her beauty queen roots in these beach photos Thia Thomalla, PSG Val of ‘First Yaya,’ returns to her beauty queen roots in these beach photos

Inihayag ni Thia Thomalla na nagplano siyang sumali muli sa Miss World Philippines pero hindi ito natuloy.

"I've been planning to join Ms. World Philippines again this year for the Miss World crown. But unfortunately hindi talaga siya natuloy kasi noong first screening pa lang, nasa lock in na ako..." sabi ni Thia sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes.

"Si Lord na talaga ang bahala kung ano man po ang plano niya sa akin," pagpapatuloy ni Thia.

Ginagampanan ni Thia sa "First Yaya" ang role bilang miyembro ng presidential security group na so PSG Val.

Brusko, matapang at matikas ang role ni Thia sa naturang serye na kaniyang na-enjoy.

Hindi niya inakala na magiging hamon ang pagiging "one of the boys" at isang in-house security ng presidente.

"Nu'ng first lock-in namin 'yung first week pa lang sumakit na 'yung likod ko kasi naka-straight body," anang beauty queen.

Pero nitong nakaraang araw, nagpainit si Thia nang umangat ang kaniyang gandang pang-beauty queen sa kaniyang beach trip photo.

Very poise siya at sexy sa kaniyang bikini.

"Kung hindi ako mag-pose parang may kulang. I always try to eat something healthier and mas ma-protein... I drink plenty of water," sabi ni Thia.

 

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News

This article Thia Thomalla, ipinaliwanag kung bakit 'di natuloy ang pagsali niya sa Ms. World PHL was originally published in GMA News Online.

Microsoft and partners may be compensated if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating: