Michael V., Ogie Alcasid are posing for a picture © Provided by Smart Parenting

Punong-puno ng mga masasaya at inspiring stories sa Smart Parenting ngayong June 2021 bilang paggunita ng Father's Day! At wala na sigurong sasaya pa kapag ang nagkuwentuhan ay sina Ogie Alcasid at Michael V., ang aming June 2021 digital cover! Heto ang opening salvo ng kanilang #SmartParentingExclusive

#BFFGoals maituturing ang tambalang Michael V. o 'Bitoy' at Ogie Alcasid o 'Ogie da Pogi.' Subok na ng panahon ang kanilang samahan. Sa katunayan, "long-time better half" na nga ang tawag ni Bitoy kay Ogie.

Matagal silang naging comedy collaborators sa hit show na Bubble Gang. At kahit ngayong limitado ang galaw ng mga tao sa entertainment industry dahil sa COVID-19 pandemic, patuloy pa rin ang kanilang collaborations.

Michael V., Ogie Alcasid are posing for a picture: Inanyayahan namin sina Ogie at Bitoy na gawin ang "Questions I've Never Asked..." May mga hindi pa kaya sila natanong sa isa't-isa? PHOTO BY Michael V, Ogie Alcasid © Provided by Smart Parenting Inanyayahan namin sina Ogie at Bitoy na gawin ang "Questions I've Never Asked..." May mga hindi pa kaya sila natanong sa isa't-isa? PHOTO BY Michael V, Ogie Alcasid

Sa Smart Parenting Exclusive interview namin sa kanila bilang celebrity cover ngayong Father's Day, ikinwento nila kung saan at paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

"Si Bitoy kasi was a contestant of a rap contest," pagsisimula ni Ogie. "Natalo siya dahil ako 'yung judge," biro pa nito.

"I've known you since then," hirit naman ni Bitoy. "That was 1991," masayang pag-alala ng dalawa.

Simula nga noon ay naging bahagi na ng mga buhay nila ang isa't-isa. Magkumpare sila at magkapitbahay.

Sa tatlumpung taon nilang pagkakaibigan, mayroon pa kaya silang hindi naitatanong sa isa't-isa?

Inanyayahan namin silang gawin ang patok na YouTube challenge ngayon na "Questions I've Never Asked..."

Dito namin nalaman na mayroon pa pala silang mga magagandang tanong sa isa't-isa, na kahit matagal na silang BFFs, ay hindi pa nila napag-uusapan.

Panoorin ang kabuuan ng Smart Parenting Exclusive na ito:

Replay Video

Mapapanood sina Michael V. at Bitoy sa Smart Parenting YouTube Channel at Facebook page sa buong buwan ng Hunyo bilang pag-gunita sa Father's Day. Pumunta lang sa smartparenting.com.ph para mabasa ang iba pang kwentong isinulat namin tampok ang dalawang kwelang celebrity dads na ito.

Microsoft and partners may be compensated if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating: